Dibisyon ng Intsik
Ang Sentro ng Wikang Tsino (Chinese Language Center) ay itinatag noong 1975. Simula 2001 ito ay tinawag na Dibisyon ng Intsik (Chinese Division) ng bagong katatatag na Sentro ng Wika (Language Center). Ang mga guro ay binubuo lamang ng mga native-speaking instructors.
Mga kurso at mga aktibidad
Ang lahat ng mga dayuhan na nagnanais na mag-aral ng Mandarin Chinese, gaya ng pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at pakikinig ay maaaring mag-apply sa Chinese Division. Kinakailangan lamang ang passport at certificate of general health para mag-apply. Ang lahat ng aplikasyon ay dapat na isumite nang hindi bababa sa anim na linggo bago magsimula ang semestre. Ang mga nakapag-aral na ng Mandarin Chinese bago pa man ay kinakailangang kumuha muna ng pagsusulit upang matukoy ang kanilang magiging course level.
Sa kasalukuyan, ang Kursong Chinese Mandarin ay may 9 level. Bukod sa kursong Mandarin, ay may mga kursong Taiwanese, Simplified Characters, Word Processing, Chinese Literature, Business Chinese, Chinese Philosophy at Chinese History & Culture. Ang Chinese Phonetic System (bpmf) at Pinyin Romanization ay parehong ginagamit sa pagtuturo at sa mga aklat-materyales (teaching materials).
Ang bawat mag-aaral ay kinkailangang kumuha ng mga kurso na ang kabuuang bilang ng oras bawat linggo ay hindi bababa sa 15 oras.
Bukod sa mga regular na kurso ay mayroon ding iba’t-ibang mga aktibidad para sa mga mag-aaral ng Sentro ng Wika:
Impormasyong Praktikal
Ang kalendaryo ng Dibisyon ng Intsik ay binubuo ng apat na semestre na may tatlong buwan bawat semestre na ang simula ay ang mga sumusunod:
Kung ang ika-limang araw ng bawat buwan ay natapat ng Sabado o Linggo, ang klase ay magsisimula sa araw ng Lunes.
Ang registration ay isinasagawa dalawang araw bago magsimula ang klase. Ang isang mag-aaral ay maaaring mamili ng kursong kaniyang kukunin sa loob ng course selection period, ito ay sa unang limang araw ng pagsisimula ng klase.
Ang tatlong pangunahing dokumento na kailangan upang makatanggap ng Admission Letter, na siya namang gagamitin upang makapag-apply ng extendable visa, ay ang mga sumusunod:
Ang lahat ng mga isinumiteng dokumento, maliban sa diploma at pasaporte ay dapat na original. Kapag ang mga ito ay naisumite na, hindi na maaari pang bawiin.
Ang mga nagsumite ng aplikasyon ay makatatanggap ng original letter ng Admission Approval na magagamit sa pag-apply ng extendable visa patungong Taiwan. Ito ay matatanggap humigit-kumulang sa loob ng anim hanggang walong linggo. Kaya mas makabubuting bigyan kami ng sapat na panahon sa pagpapadala nito. Kung wala ang original letter na ito ay hindi mabibigyan ng extendable visa. Kung sakaling wala pang natatanggap na Admission Approval ay magpadala lamang ng sulat sa pamamagitan ng courier service.
Mga gugulin sa pag-aaral, pang-araw-araw na pangangailangan at Health Insurance
Sa registration ang tuition fee ay binabayaran na ng buo, gayundin ang insurance na compulsary sa bawat mag-aaral. Narito ang itinatayang gugulin:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan gaya ng pagkain, aklat, libangan, paglalaba, atbp. na tinatayang nasa NT$ 300 bawat araw.
Walang financial assistance na ibinibigay ang FCU. Subalit mayroong iginagawad na scholarship ang Ministry of Education, na ang bilang ay batay sa quarterly enrollment.
Kagamitan at mga Kawani
Ang Sentro ng Wika ay mayroong sariling Language Resource Library at mga computer na may internet access sa wikang Intsik, Ingles, Hapon, Koreyano, at Thai. Ang mga mag-aaral ng wikang Intsik ay maaaring gumamit ng lahat ng pasilidad ng campus (gaya ng gymnasium, swimming pool, library, computer laboratory) o sumali sa alinmang student clubs.
Maliban sa mga pasilidad na ito, ipinagmamalaki ng Sentro ng Wika ang mga magigiliw at matulunging mga kawani na laging tumutulong malutas ang anumang suliraning inyong kinakaharap.
Transportasyon at Lokasyon
Ang Pamantasan ng Feng Chia ay matatagpuan sa Taichung, central Taiwan, may dalawang oras na biyahe mula sa Taipei patungong katimugan.
Mula Feng Chia, patungong hintuan ng bus (Chao Ma) ay may 10 minuto sakay ng taxi; at patungong istasyon ng tren ay may 30 minuto sakay ng taxi. Bukod sa pagkakaroon ng mahusay na klima (kumpara sa ibang bahagi ng Taiwan), ang mga bilihin sa Taichung ay higit na mas mura kaysa Taipei.
In cases of discrepancy between translations, the English version will take precedence.